Alagaan ang mga tapag-alaga

PNA National Day of Protest | 8 November 2019 | Kartilya ng Katipunan

Minsan. Minsan kahit katatapos lang natin sa trabaho ay iniisip na natin ang susunod na araw. Kumusta na kaya ang pasyente kong si Juan? Nainom na kaya niya ang mga gamot niya? Kumusta na ba si Maria? May kirot pa kaya siyang nararamdaman?

Madalas. Madalas iniiwan natin ang trabaho natin na mistulang post-apocalytic scene sa isang pelikula. May mga pasyente na nagsisiksikan sa iilang kama. May mga pasyente na walang mainom na gamot dahil walang pera. At may mga nurse na kayod kalabaw pero kahit pagod, gutom at ihing-ihi na, nakangiti pa ring nakaharap sa mga pasyenteng sinumpuan niyang paglingkuran. Kahit gaano man kahirap gampanan ang mga responsibilidad ng isang nars, paulit-ulit pa rin nating pinipili na maglingkod sa bayan.

Bakit nga ba tayo gumagawa ng ingay? Bakit ba paulit-ulit ang ating panawagan? Iisa lang ang sagot – dahil hindi sila nakikinig. Gusto natin alagaan ang ating mga pasyente nang husto at may dignidad. Gusto natin magtrabaho bilang mga nars na nirerespeto at binibigyang halaga. Gusto natin muling ipakita ang ligaya sa likod ng natatanging pag-aalaga. At, gusto natin na umuwing panatag na maaalagaan din natin ang ating mga sarili at pamilya.

Tunay nga ba ang kabataan ang pag-asa ng bayan? Ngunit, paano tayo aasa sa isang bulok na sistema? Para sa mga kabataang nars na gaya ko, napakahalaga ng pagtitipon na ito. Ito ang araw na minarkahan natin ang simula ng mas marami pang aksyon mula sa nagkakaisang mga nars na naglilingkod para sa bayan. Ito ang simula ng pagpapanday ng isang mas magandang bukas para sa aming henerasyon at sa mga susunod pa. Ito ang nagsisilbing katibayan na may pag-asa pa. May pag-asa pa para sa isang mas maayos, tuwid at makatao na sistemang pangkalusugan.

Hiling ng mga kabataan na tulad ko ang isang bukas na hindi perpekto ngunit malapit sa uliran: sapat na sahod, regularisasyon at hindi kontraktwalisasyon, makatwirang nurse-to-patient ratio, at ligtas at maayos na lugar ng trabaho.

Alam natin na hindi rito nagtatapos ang laban. Alam din natin na mahaba-haba pa ang lalakbayin. para sa mga inaasam. Pero kaming mga kabataan, lubos na umaasang ngayon kami ay tuluyang pakikinggan. Sa huli, iisa lang naman ang ating panawagan: alagaan din ang mga tagapag-alaga.

SG15, ipatupad!

Sahod ng nurses, dagdagan! Dagdagan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s