07-03-17

Sobrang eventful ng araw na ‘to (07-03-17)

1. Muntik na akong ma-late. This is why I hate Mondays. Huhu.
2. Biglang nagcode yung patient na nasa stretcher bed (along hallway) habang nagaganap ang nursing rounds (immediately after endorsements). Naubos yung oxygen sa tangke. Malayo yung wall oxygen outlet. Iisa ang portable suction machine.
3. Biglang nagbrownout a few minutes after the code. Nagbrownout TWICE within the shift.

Meron kaming 10 patients with oxygen support. Most of them are hooked to mechanical ventilators. Yung iba naka tracheostomy mask, nasal cannula, or face mask. Imagine kung gaano kami kaagit habang naghahanap ng O2 pipe in / flow meters sa madilim na lugar. Meron lang kaming iilang O2 pipe in / flow meters. Yung iba sira pa. Iisa lang ang available oxygen tank. 😢Umiiyak yung ibang bantay. Pati kami kinakabahan at nag-aalala. But this is nothing compared to what happened in other areas (i.e. ICUs, ER). And I wouldn’t dare imagine.

What we did and lessons for reference:
1) Remain calm. Instruct the relatives or watchers on what to do.
2) We need more OXYGEN PIPE FLOW METERS.
3) We need EMERGENCY LIGHTS!!! Ang pagamutan ng bayan walang emergency lights!!!
4) We need more wall / VACUUM SUCTION METERS / GAUGE.

ITO ANG KATOTOHANAN. Sa totoo lang, mas malala pa sa ibang maliliit na pampublikong ospital.

Sinasalamin ng PGH ang ilan sa pangit (at magaganda) na aspeto ng healthcare system ng bansa. Hindi lang dapat binubuhos ang pera para sa mga pasyente (i.e. LIBRENG gamot, laboratory procedures). Mag-invest tayo sa facilities at equipment. Mag-invest tayo higit lalo sa tao / manggagawa. Dagdagan ang plantilla para sa healthcare professionals!

Sa kabila ng lahat ng ito, nakasisiguro ang lahat na sinisikap namin (HCPs) na bigyan ng kalidad na serbisyo ang mga pasyente at mga pamilya nila. Lagi’t lagi, #ParaSaBayan!

P.S. Nakakagalit po yung MD na alam namang brownout at maraming intubated sa ward (na kailangan asikasuhin kasi hindi gagana ang mechanical ventilator without power supply) pero hahanapin sa akin yung charts. Doc, sense of urgency?

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s