Nakakapagod ang mabuhay sa lipunang pinaiiral ang maling sistema.
Sa panahon kung saan ang mali ay nagiging tama.
Nakakapagod mabuhay.
May trabaho ngunit tila walang kabuluhan.
Sa bawat araw na parang walang katapusan.
Nakakapagod mabuhay.
Lalo na kapag alam mong wala kang magawa para mabago ang sistema.
Lalo na kapag ramdam mo na mahina ka at palaging inaapakan.
Nakakapagod mabuhay.
Sa araw-araw na pilit mong tinatanong ang sarili mo, “para kanino? Para saan? Bakit pa?”
Sa bawat sandali na wala kang mahanap na kasagutan ni isa.
Nakakapagod ang mabuhay na unti-unting pinapatay.
Nakakapagod mabuhay.